Ako'y Aba
Ako’y aba, sa lahat ng saklolo’y dukha,
Akong nagkasala sa langit at lupa.
Saan ako tutungo, saan magtatago,
Kanino magsusumamo?
Sinong mahahabag sa pusong ito?
‘Di mangahas sumulyap sa kalangitan,
‘Pagkat ang nagawa sa kanya’y kasalanan,
Sa lupa’y hindi makahanap ng kanlungan,
‘Pagkat ako’y tinuring niyang lapastangan.
Ano ang aking gagawin?
Maghihinagpis ba? Hindi nawa.
Ang Diyos ay puno ng awa,
Puno ng pagsuyo ang Tagapag-adya.
Kung gayon, Diyos lamang ang kanlungan,
Pagkat nilikha Niya’y ‘di Niya kamumuhian,
Ang kawangis Niya’y ‘di niya ipagtatabuyan.
Anupa’t, sa ‘Yo, mapanuyong Diyos,
Ako’y lalapit na lumbay at lungkot,
Pag-asa ko’y tanging Ikaw,
Kanlungan ko’y Ikaw lamang.
Ano nga ang dapat mawika
Kung ‘di mataas ang mga mata?
Wikang pulos hapis ang siyang bibigkasin,
Pag-awa Mo’y lilimusin, at aking wiwikain:
“Ako'y kaawaan, O mahal kong Diyos,
sang-ayon sa iyong kagandahang- loob.”
sang-ayon sa iyong kagandahang- loob.”
No comments:
Post a Comment