Monday, March 7, 2011

Sa Ilalim ng Iyong Pagkalinga (Salin ng Sub Tuum Praesidium, panalangin sa Mahal na Birhen)

Sa Ilalim ng Iyong Pagkalinga

Sa ilalim ng iyong pagkalinga, 
kami’y sumisilong, 
Santang Ina ng Diyos.
Huwag mong tanggihan ang aming mga panalangin, 
sa pangangailangan namin, 
datapwat iligtas mo kami sa lahat ng panganib, 
Birheng Maluwalhati’t Banal.

1 comment:

  1. Salamat sa salin Tagalog ng dasal na ito. Gusto kong dasalin ito sa iba't ibang wika tulad ng orihinal na Griyego, at sa Ecclesia Latin, at sa wikang Angles.

    ReplyDelete