Ang mga panalangin nating mga Katoliko ay kayamanang dapat pag-ingatan, dapat pangalagaan at dapat pahalagahan. Ang mga ito'y nagsisilbing koneksyon natin sa Diyos at nakaraan ng ating pananampalataya, upang tayo'y makarating sa ating dapat paroonan.
Ang mga panalangin sa blog na ito ay mga panalanging dinala ng hangin patungo sa ating bansang Pilipinas. Ngunit dahil banyaga, minarapat ng may-akda ng blog na ito na isalin ang mga dasal sa wikang ating-atin: ang Wikang Filipino. Sa gayon ay ang mga dalanging itong dinala ng hangin ay magiging tila simoy ng hangin na nagdudulot ng kapayapaan at katiwasayan sa buhay.
Sa higit na ikaluluwalhati ng Diyos.
No comments:
Post a Comment